Search This Blog

Wednesday, August 4, 2010

Medyo AnGaT Sa iBa!!!!!!!!!















"Taong maraming alam,
Maestrong Dalubhasa sa wala"



OK class...ang highest nyo sa exam ay si..... si....as usual si Mr. Luarca na naman!!!!!..... Only 1 mistake, perfect sana nya kaso may erasure siya.
Ting ting ting..
Parang bagong download na ringtone na ansarap pakinggan sa tenga ang mga katagang yan pagkatapos ng exam. Parang gusto kong irecord ang pagkakasabi ng guro at ulit-uliting pakinggan hanggang sa magsawa at magreklamo na ang tenga ko at sabihing "Reypot.. tama na...wag kang mag-alala dahil habang nag-aaral ka.. siguradong maririnig mo pa yan ng paulit-ulit...ulit...ulit...ulit"

(At siyempre pa......ang lahat ng ito ay pawang guni-guni at kathang isip ko lamang.... produkto ng mapag-larong imahinasyon^_^)

Haaaaaaaayyyy....ang sarap mangarap!!! Simula pa sa pagkabata ilusyonado na ako... ambisyoso kumbaga.


Andiyan lang ang planetang mars at hinihintay ako.
(astronaut ang una kong pinunterya... taob sakin si pareng Neil armstrong neto:))


Vote!!!

Reynaldo "Reypot" Luarca Jr.

for President

Hindi yan sa school Organization. Presidente ng Pilipinas...
Oo... ng REPUBLIKA ng Pilipinas. Hayop mangarap.....
Pero paggising ko nalang isang araw..bigla nalang nawala ang interes ko sa pangarap kong yan. Marahil ay gawa na rin ng maruming pulitika dito sa Pilipinas. Pag binuksan mo ang telebisyon, kung hindi artista ang mapapanood mo sa mga balita, puro mga pulitikong papogi at nagbabangayan ang mapapanood. Kaya minsan napagkakamalang ang mga pulitiko at artista ay iisa.
(Kaya minsan mas enjoy pang panoorin ang mga gagambang nagrarumble sa stick ng BBQ kaysa manood ng balita)


TOP 10 RICHEST MAN IN THE WORLD
1.Reynaldo L. Luarca Jr-Philippines $154.9 billion (11,554 times LOtto JACKPOT winner)
2.Carlo Slim Helu – Mexico $53.5 billion, up $18.5 billion in 12 months. Shares of America Movil (oil)
3.Bill Gates, US $53 billion who had held the title of world’s richest 14 of the past 15 years. (Microsoft)
4.Warren Buffett – US – $47billion- ( Berkshire Hathaway Warren Buffet) Warren Buffet invested wisely in Goldman Sachs during the worst parts of 2008Mukesh Ambani India $29.0
5.Lakshmi Mittal India 59 $28.7
6.Lawrence Ellison United States $28.0
7.Bernard Arnault France $27.5
8.Eike Batista Brazil $27.
9.Amancio Ortega Spain $74
10.Karl Albrecht Germany $23.5

Minsan din akong nangarap na mabasa ang aking pangalan sa Forbes at mapabilang bilang isa sa pinakamayamang tao sa mundo!!!
Pero dyahe tong pangarap kong to....mukhang kelangan ko munang hintaying magyelo ang impiyerno bago ko marating to!!!


Natapos ang Hayskul kasabay ng kahibangan ko. Sabi ko sa sarili ko, masyadong matataas ang mga gusto ko sa buhay....(kumbaga gusto kong maglaro ng basketbol sa NBA ng hindi nakakaapak sa mga liga ng barangay)

Magpapaenroll ako ng kolehiyo ng hindi ko alam ang gusto ko. Tinanong ko ang aking sarili kung anong gusto ko...pero di rin ako makasagot sa tanong ko. Pero nagulat nalang akong natapos na akong magpaenroll at nursing ang napili ko bilang kurso...uhuhmmm walang masama...in demand nga naman at siyempre pa in ako(sunod sa uso).

Nairaos ko ang unang semestre. Ngunit pagdating ng ikalawang semestre, sa una OK pa naman...pero ng malapit ng magtapos..naloko na...gusto ko ng umayaw.. hindi ito ang pangarap ko!!! Pero di ako makabitaw, ayokong madismaya ang mga taong nakapaligid sa akin. Nailihim ko sa kanila ang aking nararamdaman, pero hindi ako nakapagsinungaling sa sarili ko.

Ginamit ko ang dalawang buwang bakasyon para mag-isip. Ngunit pagdating ng enrollment, buo na ang pasya ko. ayoko ng ipagpatuloy ang ang paglalakad sa daang tinahak ko. Pero bago ko nabuo ang pasyang yan, huli na rin ako. Tapos na ang enrollment. Dalawang bagay nalang ang pagpipilian ko... ang tumigil sa pag-aaral.....o ang tumigil sa pag-aaral.

Mahaba-haba ang isang taon para mag-isip. Wow "bakasyonista" ako sa bahay ng isang taon. Basketbol, workout, kain, basketbol.......basketbol...basketbol. Yan ang karaniwang routine ko sa isang araw.

Pagdating ng Hunyo enrollment na naman. Ibang paaralan na ang papasukan ko. Diko na kinuha ang "transcript of records" ko sa dati kong eskwelahan. Sa madaling sabi, balik ako sa wala. Pumunta ako sa paaralan para magpaenroll ng hindi ko ulit alam ang kukunin kong kurso...
(hindi pala sapat ang isang taon para malaman ko ang gusto ko)
Ngunit habang binabasa ko ang papel na bigay ng eskwelahan...
COURSES OFFERED:
BSA
HRM
BSBA-Marketing management
Financial management
Human resource management
Accounting management
etc.

tenennnnnnnn... Parang umilaw sa paningin ko yung kursong BSBA-marketing management....sabi ko sa sarili ko, mukhang alam ko na ang gusto ko...
(Langya...dinaig ng isang maliit na piraso ng papel ang pag-iisip ko ng isang taon ng kung ano ang gusto ko)

Nagsimula ang klase......
"Marketing is the HEART of business"

"Marketing is the alpha and omega of a business"

"Marketing..ANGAT sa iba!!!"

HUWAW mukhang jackpot ako sa daang tinahak ko. ito ang gusto ko!!!


Mayabang ang mga grades ko sa unang tatlong semestre. Ngunit pagdating ng sumunod na semestre...nakatikim ako ng palakol "78"
Si Reypot 78 sa Business Statistics
Si reypot laglag na sa Deans List
Si Reypot..Hindi na angat sa iba.

Napangiti ako ng matandaan kong ninsa'y sinabi ko sa sarili kong"Hindi ko matatanggap pag nakatikim ako ng gradong palakol!!"

Pero dati yun...(noong utak talangka palang ako)

Ngayon si Reypot LEVEL-UP na!......

Naranasan kong:

Maging bangko sa liga ng basketbol
(Complete uniform...pero audience lang pala:)
sa stretching at workout lang nakakahawak ng bola.
Siyempre pa....pag last 2 minutes na bago matapos ang laro, automatic nang sasanib sakin ang espiritu ni Son Guko. iwas kantyaw sa mga tao at iwas sama ng loob narin.....sana.
Pero di ako nakaiwas sa pangalawa.Dito ko natutunang....sa isang grupo, hindi sapat kahit punong-puno ka ng tiwala sa sarili mo, kailangang may tiwala din sayo ang mga kasama mo.... kahit konting konting konti lang TT)haha


Maging talunan sa mga dance contest.

(Minsan nakakatsamba, pero mas nangingibabaw ang mga kapalpakan. dinadaig ng madalas na pagtalbog ng CD at pagkaputol ng tape o pagkapalpak ng operator ng sounds ang gabi-gabing pagpupuyat, pagod, suntukan, at samaan ng loob na ensayo. minsan nagagawan ng solusyon... pero mas madalas palpak...dahil "Live Via satellite" ang mga performance...huli na ng maisip ang dapat na solusyon.Pero Dahil sa pagka immune ko sa kapalpakan... natutunan kong ngitian nalang ang bawat pagkatalo.)

Matalo sa mga drawing and arts contest

(Nakakasama ng loob yung alam mong ikaw ang may pinakamagandang gawa, pero sa mata ng mga hurado..... walang kwenta ang itinuturing mong "Obra Maestra".
ayoko ng pangalawa LANG
ayoko ng runner-up LANG
Gusto kong laging PERS PLEYS!!!
Kaya minsan...napagdidiskitahan kong gumawa ng sarili kong patimpalak..
AKO ang gumawa ng mga obra, at AKO narin ang nagiging hurado^_^
Wala nang ligtas ang pagiging Champion ko neto...
At sa sarili kong paraan, naging "instant artist" AKO!!!)

Maging underdog sa mga papogihang contest sa loob at labas ng paaralan

(Ayoko nang magpaliwang.....tanggap ko ang lahat^_^)

etc.
etc.
etc.

Dipa kasali dyan ang mga pang araw-araw kong pagdadalamhati at kapalpakan sa buhay.

Pero sa kabila ng lahat ng yan.....masasabi kong A.N.G.A.T patin ako sa iba!!! (payabangan na to :))

ANGAT KA KONG:

Marunong kang magpakumbaba... at siyempre hindi lang sapat yung marunong ka, kailangang ginagamit mo rin yang karunungang yan para magpakumbaba(hehe ano daw?!)
Maniwala ka sa akin......hindi ka mahihila pababa ninuman.

May tiwala ka sa iyong kakayahan. Sabi nga ni pareng Howard Gardner, mayroon tayong iba ibat-ibang kakayahan.
Kaya kung kulelat ka sa palistuhan, pagalingan at payabangan...siguradong angat ka sa ibang bagay. Pero kong ipinanganak ka talagang talunan...wala na tayong magagawa dyan. Pag talo tayo sa lahat ng bagay, isipin nalang nating tsumamba lang sila. Ganun lang yun!!!

May kapal ka ng mukha para ipabasa sa mga tao ang walang kwenta mong buhay....... sinasayang mo lang oras nila.........................at.................................
............habang...........................................tapos..........................
...............................pag.......zzzzzzzzzzz.................zzzzzzzzzzzzz...............
...zzzzzzzhhhhhhhh................zzz............choppy...............
............choppy...............choppy talaga.......................
cge BYE:)

RLLJ
















mga KoWtS ni Bob Ong;)

PAG-IBIG

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

PAG-AARAL

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng skuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

BUHAY (IN GENERAL)

"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa Jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

HALO-HALO

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"Iba ang informal gramar sa mali !!!"

" Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

RLLJ

Wednesday, July 28, 2010

Sino Nga Ba si Bob oNg?



Maraming Kuro-kuro at haka-haka ang naglalabasan kung sino nga ba talaga si Bob Ong...... may nagasasabing isa siya sa mga rapper ng grupong Salbakuta......siya daw Yung mataba a.k.a Bendita.... Huwattt??? c Bob Ong isang rapper????^_^

may mga nagsasabi ding isa siyang nursing instructor....
ngek.. kelan pa naging nursing instructor si Bendita ng salbakuta??haha


Siyempre isa ako sa mga taong "utak manok" na nagkakandarapa para makilala siya...

Kaya kung sino man ang nakakakilala sa kanya..... makipag-ugnayan po sakin:)

PaNaTiKo