Search This Blog

Wednesday, August 4, 2010

Medyo AnGaT Sa iBa!!!!!!!!!















"Taong maraming alam,
Maestrong Dalubhasa sa wala"



OK class...ang highest nyo sa exam ay si..... si....as usual si Mr. Luarca na naman!!!!!..... Only 1 mistake, perfect sana nya kaso may erasure siya.
Ting ting ting..
Parang bagong download na ringtone na ansarap pakinggan sa tenga ang mga katagang yan pagkatapos ng exam. Parang gusto kong irecord ang pagkakasabi ng guro at ulit-uliting pakinggan hanggang sa magsawa at magreklamo na ang tenga ko at sabihing "Reypot.. tama na...wag kang mag-alala dahil habang nag-aaral ka.. siguradong maririnig mo pa yan ng paulit-ulit...ulit...ulit...ulit"

(At siyempre pa......ang lahat ng ito ay pawang guni-guni at kathang isip ko lamang.... produkto ng mapag-larong imahinasyon^_^)

Haaaaaaaayyyy....ang sarap mangarap!!! Simula pa sa pagkabata ilusyonado na ako... ambisyoso kumbaga.


Andiyan lang ang planetang mars at hinihintay ako.
(astronaut ang una kong pinunterya... taob sakin si pareng Neil armstrong neto:))


Vote!!!

Reynaldo "Reypot" Luarca Jr.

for President

Hindi yan sa school Organization. Presidente ng Pilipinas...
Oo... ng REPUBLIKA ng Pilipinas. Hayop mangarap.....
Pero paggising ko nalang isang araw..bigla nalang nawala ang interes ko sa pangarap kong yan. Marahil ay gawa na rin ng maruming pulitika dito sa Pilipinas. Pag binuksan mo ang telebisyon, kung hindi artista ang mapapanood mo sa mga balita, puro mga pulitikong papogi at nagbabangayan ang mapapanood. Kaya minsan napagkakamalang ang mga pulitiko at artista ay iisa.
(Kaya minsan mas enjoy pang panoorin ang mga gagambang nagrarumble sa stick ng BBQ kaysa manood ng balita)


TOP 10 RICHEST MAN IN THE WORLD
1.Reynaldo L. Luarca Jr-Philippines $154.9 billion (11,554 times LOtto JACKPOT winner)
2.Carlo Slim Helu – Mexico $53.5 billion, up $18.5 billion in 12 months. Shares of America Movil (oil)
3.Bill Gates, US $53 billion who had held the title of world’s richest 14 of the past 15 years. (Microsoft)
4.Warren Buffett – US – $47billion- ( Berkshire Hathaway Warren Buffet) Warren Buffet invested wisely in Goldman Sachs during the worst parts of 2008Mukesh Ambani India $29.0
5.Lakshmi Mittal India 59 $28.7
6.Lawrence Ellison United States $28.0
7.Bernard Arnault France $27.5
8.Eike Batista Brazil $27.
9.Amancio Ortega Spain $74
10.Karl Albrecht Germany $23.5

Minsan din akong nangarap na mabasa ang aking pangalan sa Forbes at mapabilang bilang isa sa pinakamayamang tao sa mundo!!!
Pero dyahe tong pangarap kong to....mukhang kelangan ko munang hintaying magyelo ang impiyerno bago ko marating to!!!


Natapos ang Hayskul kasabay ng kahibangan ko. Sabi ko sa sarili ko, masyadong matataas ang mga gusto ko sa buhay....(kumbaga gusto kong maglaro ng basketbol sa NBA ng hindi nakakaapak sa mga liga ng barangay)

Magpapaenroll ako ng kolehiyo ng hindi ko alam ang gusto ko. Tinanong ko ang aking sarili kung anong gusto ko...pero di rin ako makasagot sa tanong ko. Pero nagulat nalang akong natapos na akong magpaenroll at nursing ang napili ko bilang kurso...uhuhmmm walang masama...in demand nga naman at siyempre pa in ako(sunod sa uso).

Nairaos ko ang unang semestre. Ngunit pagdating ng ikalawang semestre, sa una OK pa naman...pero ng malapit ng magtapos..naloko na...gusto ko ng umayaw.. hindi ito ang pangarap ko!!! Pero di ako makabitaw, ayokong madismaya ang mga taong nakapaligid sa akin. Nailihim ko sa kanila ang aking nararamdaman, pero hindi ako nakapagsinungaling sa sarili ko.

Ginamit ko ang dalawang buwang bakasyon para mag-isip. Ngunit pagdating ng enrollment, buo na ang pasya ko. ayoko ng ipagpatuloy ang ang paglalakad sa daang tinahak ko. Pero bago ko nabuo ang pasyang yan, huli na rin ako. Tapos na ang enrollment. Dalawang bagay nalang ang pagpipilian ko... ang tumigil sa pag-aaral.....o ang tumigil sa pag-aaral.

Mahaba-haba ang isang taon para mag-isip. Wow "bakasyonista" ako sa bahay ng isang taon. Basketbol, workout, kain, basketbol.......basketbol...basketbol. Yan ang karaniwang routine ko sa isang araw.

Pagdating ng Hunyo enrollment na naman. Ibang paaralan na ang papasukan ko. Diko na kinuha ang "transcript of records" ko sa dati kong eskwelahan. Sa madaling sabi, balik ako sa wala. Pumunta ako sa paaralan para magpaenroll ng hindi ko ulit alam ang kukunin kong kurso...
(hindi pala sapat ang isang taon para malaman ko ang gusto ko)
Ngunit habang binabasa ko ang papel na bigay ng eskwelahan...
COURSES OFFERED:
BSA
HRM
BSBA-Marketing management
Financial management
Human resource management
Accounting management
etc.

tenennnnnnnn... Parang umilaw sa paningin ko yung kursong BSBA-marketing management....sabi ko sa sarili ko, mukhang alam ko na ang gusto ko...
(Langya...dinaig ng isang maliit na piraso ng papel ang pag-iisip ko ng isang taon ng kung ano ang gusto ko)

Nagsimula ang klase......
"Marketing is the HEART of business"

"Marketing is the alpha and omega of a business"

"Marketing..ANGAT sa iba!!!"

HUWAW mukhang jackpot ako sa daang tinahak ko. ito ang gusto ko!!!


Mayabang ang mga grades ko sa unang tatlong semestre. Ngunit pagdating ng sumunod na semestre...nakatikim ako ng palakol "78"
Si Reypot 78 sa Business Statistics
Si reypot laglag na sa Deans List
Si Reypot..Hindi na angat sa iba.

Napangiti ako ng matandaan kong ninsa'y sinabi ko sa sarili kong"Hindi ko matatanggap pag nakatikim ako ng gradong palakol!!"

Pero dati yun...(noong utak talangka palang ako)

Ngayon si Reypot LEVEL-UP na!......

Naranasan kong:

Maging bangko sa liga ng basketbol
(Complete uniform...pero audience lang pala:)
sa stretching at workout lang nakakahawak ng bola.
Siyempre pa....pag last 2 minutes na bago matapos ang laro, automatic nang sasanib sakin ang espiritu ni Son Guko. iwas kantyaw sa mga tao at iwas sama ng loob narin.....sana.
Pero di ako nakaiwas sa pangalawa.Dito ko natutunang....sa isang grupo, hindi sapat kahit punong-puno ka ng tiwala sa sarili mo, kailangang may tiwala din sayo ang mga kasama mo.... kahit konting konting konti lang TT)haha


Maging talunan sa mga dance contest.

(Minsan nakakatsamba, pero mas nangingibabaw ang mga kapalpakan. dinadaig ng madalas na pagtalbog ng CD at pagkaputol ng tape o pagkapalpak ng operator ng sounds ang gabi-gabing pagpupuyat, pagod, suntukan, at samaan ng loob na ensayo. minsan nagagawan ng solusyon... pero mas madalas palpak...dahil "Live Via satellite" ang mga performance...huli na ng maisip ang dapat na solusyon.Pero Dahil sa pagka immune ko sa kapalpakan... natutunan kong ngitian nalang ang bawat pagkatalo.)

Matalo sa mga drawing and arts contest

(Nakakasama ng loob yung alam mong ikaw ang may pinakamagandang gawa, pero sa mata ng mga hurado..... walang kwenta ang itinuturing mong "Obra Maestra".
ayoko ng pangalawa LANG
ayoko ng runner-up LANG
Gusto kong laging PERS PLEYS!!!
Kaya minsan...napagdidiskitahan kong gumawa ng sarili kong patimpalak..
AKO ang gumawa ng mga obra, at AKO narin ang nagiging hurado^_^
Wala nang ligtas ang pagiging Champion ko neto...
At sa sarili kong paraan, naging "instant artist" AKO!!!)

Maging underdog sa mga papogihang contest sa loob at labas ng paaralan

(Ayoko nang magpaliwang.....tanggap ko ang lahat^_^)

etc.
etc.
etc.

Dipa kasali dyan ang mga pang araw-araw kong pagdadalamhati at kapalpakan sa buhay.

Pero sa kabila ng lahat ng yan.....masasabi kong A.N.G.A.T patin ako sa iba!!! (payabangan na to :))

ANGAT KA KONG:

Marunong kang magpakumbaba... at siyempre hindi lang sapat yung marunong ka, kailangang ginagamit mo rin yang karunungang yan para magpakumbaba(hehe ano daw?!)
Maniwala ka sa akin......hindi ka mahihila pababa ninuman.

May tiwala ka sa iyong kakayahan. Sabi nga ni pareng Howard Gardner, mayroon tayong iba ibat-ibang kakayahan.
Kaya kung kulelat ka sa palistuhan, pagalingan at payabangan...siguradong angat ka sa ibang bagay. Pero kong ipinanganak ka talagang talunan...wala na tayong magagawa dyan. Pag talo tayo sa lahat ng bagay, isipin nalang nating tsumamba lang sila. Ganun lang yun!!!

May kapal ka ng mukha para ipabasa sa mga tao ang walang kwenta mong buhay....... sinasayang mo lang oras nila.........................at.................................
............habang...........................................tapos..........................
...............................pag.......zzzzzzzzzzz.................zzzzzzzzzzzzz...............
...zzzzzzzhhhhhhhh................zzz............choppy...............
............choppy...............choppy talaga.......................
cge BYE:)

RLLJ
















11 comments:

  1. wow naman rey lam mo bilib ako sa diterminasyon mo sa sarili mo...Hope na sana maabot mo ang lahat ng pinapangarap mo sa buhay.. kaya mo yan wag kang susuko...Itaas mo lang ang level mo wag mong hayaan na mawala lahat ng pinaghirapan mo..Study hard go..go..go ichecheer kita para sa pangarap mo..Thanks nga pala dahil naging kaibigan din kita sana wag kang magbago sa mga kaibigan mo sa nakapaligid sau...GUDLUCK

    ReplyDelete
  2. MMK ba gurrrrlllllllllllll? wahaha TEnchu:) same to you.......

    ReplyDelete
  3. MMK ka jan loko buti nga ta pinuri pa kita hehehe................

    ReplyDelete
  4. hehehe joke lang gryz......to naman dina nasanay:)
    haha

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. rey nxt time nalang ako mag comment ah kc laging nauudlot..haha

    ReplyDelete
  7. ahem,,sa wakas this is it...ahm gusto ko lang magcomment kc nakakarelate lng me eh..tama ka masakit nga yung para ka lang tsupe...samantalang di nila alam kung gaano ka ka excited dun sa gagawin mo..masakit..pero talagang ganyan lang daw yung may mga magandang future..ahheemmm....oo totoo,..basta don't stop doing good..sabi sa jeremiah 29:11(For I know the plans I have for you , plan to prosper you and not to harm you,,plan to give you hope and a good future..madrama met...

    ReplyDelete
  8. wow naman yeng thank you at nag share kapa ng verse sa Bible:)hehe

    ReplyDelete